Monthly Archives: July 2008

Sa Gitna ng Pagitan, Liliwanag ba ang Dilim? ni Danica Laigo

Gabi na dito sa bahay namin, na nakatirik sa lupa ng Winnetka na matatagpuan sa Los Angeles, isa sa mga estado ng Estados Unidos. Malamang nagtataka kayo kung bakit ko ibinabahagi ang walang kwentong bagay na ito. Ako rin ay nagtataka kung bakit.

Ako’y naririto sapagkat nais kung ibahagi ang aking opinyon sa mga nangyayaring katiwalian at paninirang puri sa mga mahal kong kapamilya sa MAGDALO (07-08), ang tinaguriang opisyal na publikasyon ng EAC.

Sa mga estudyante ng EAC, mga kapwa Magdalo, at ibang saling kit-kit, gusto ko lamang sanang talakayin ang ibang mga isyu na hinarap at patuloy naming hinaharap.

Ang mga manunulat na bumubuo ng Patnugutan (Editorial Board) ng Magdalo ay naitalaga sa kani-kanilang posisyon dahil sumailalim kami sa mga pagsusuri na binigay ng aming dating dakilang tagapayo (adviser) na si "Mr.DLC", sa ganitong paraan mapapatunayan po na hindi kami mga bobo’t tanga upang hindi mamulat ang aming mga mata sa mga pagkukunwari mga taong nasa kapangyarihan (tamaan pwedeng magalit).

Marami sa mga estudyante ang nagsabi na sayang ang kanilang mga binayad sa "publication fee" dahil mabagal ang produksyon ng publikasyon. Nais ko lamang po linawain na ginawa po namin ang trabaho namin. "HINDI KAMI NAGPASARAP SA AIRCON SA OFFICE." Lingid po sa inyong kaalaman na ang mga isyung aming natatapos ay dumadaan sa kamay ng TAGAPAYO, ang pagkabilis at lubos na pagkabagal ng produksyon ay sanhi ng pagpapawalang-bahala ni tagapayo na sa aming pagkakaalam ay hindi ata alam ang kanyang trabaho at LIMITASYON (masyado kasi ata sya bisi-bisihan sa pagsipsip ng straw … gets mo?)

Ehem … doon naman nga pala sa mga pilit naninira at nagkukumpara sa amin sa TAMBULI, hindi kami magkapareho! Sa pangalan pa lang ay hindi na talo, lubos na mas astig ang Magdalo (truth hurts…). ang kalibre po ng aming pagsusulat ay hindi hamak na mas maganda at mas may "sense" kaysa sa kanila, dahil ni minsan ay hindi namin inatim na gawing "trivia book" ang dyaryo, halimbawa na lamang ang SPORTS SECTION nila na walang pagkakaiba sa mga trivia na mababasa sa magazine … (pasensya na, magbasa ka kasi ng sports articles). Sa mga taga-TAMBULI na pilit nagmamataas, kahit sino pa ang nag-utos sa inyo na sirain kami … eto lang masasabi ko… MANGARAP KAYO HANGGANG SA DULO NG WALANG HANGGAN, dahil hindi nyo mapapantayan ang MAGDALO.

Nais ko lamang po humingi ng dispensa sa mga taong natatamaan ko, pero sa totoo lamang ay sinadya ko talaga isulat ito. Nakakairita kasi ang mga taong plastik. Kailanman ay hindi magtatagumpay ang anumang bagay na sinimulan sa kasinungalingan … tandaan nyo yan!

Sa mga kapamilya ko sa Magdalo, anupaman ang mangyari, tayo pa rin, ang katotohanan, ang sa huli’y mananaig!

(Si Danica Lian Laigo ay dating mag-aaral ng Dalubhasaang Emilio Aguinaldo na ngayo’y nag-aaral sa San Francisco State University. Siya ay naging Patnugot ng Lathalain at Patnugot ng Talakasan sa kanyang pamamalagi sa MAGDALO, mula Agosto 2007 hanggang Marso 2008.)

Advertisements