Pagpapatawad at Pagkalimot? Hindi Oy!

Pagkukuha lang po ng ideya sa mga binigkas ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang Ulat sa Bayan ngayong taon:

FORGIVE and FORGET ba ang pagyurak sa proseso ng pagpili ng mga miyembro ng patnugutan – at palitan ang mga nakaupo’t nanindigan ng mga tutang hinahasang maging pabango ng eskwelahan…sa ngalan ng “kailangan kasi ng bago?”

FORGIVE and FORGET din ba ang lantarang pagsisira ng arkibos ng publikasyon at sadyang magtitira lamang ng mga isyu mula sa ilang nakaraang taon lamang

FORGIVE and FORGET ba ang pagtatapon ng kopya ng mga isyu galing sa ibang pahayagang pangkampus na pinaghirapan kolektahin ng mga taga-Patnugutang MAGDALO sa loob ng ilang taon?

FORGIVE and FORGET na ba ang indoktrinasyon ng mga nasa patnugutan laban sa mga dating miyembro ng pahayagan na nababansagang nagpapahawa ng “pekeng ideyalismo” mula sa labas?

FORGIVE and FORGET rin ba ang paghawak ng pahayagan sa leeg at pagtatanggal sa paglathala ng artikulong posibleng magdulot ng negatibong isyu laban sa eskwelahan … kabilang dito ang pagpapasuri ng artikulo sa isang “technical committee” na inimbento lang ng kurakot na tagapayo?

FORGIVE and FORGET na ba ang pagmamalaking nanatili sa publikasyon kahit ang nagawa mo lamang ay pumunta sa opisina at magpatuyo ng payong?

Sa natatamaan, kala mo lusot ka na dahil nasa ibang departamento ka ng Dalubhasaan na malayo sa pahayagang sinira mo? May araw ka rin, kala mo makakatulog ka nang mahimbing? Mumultuhin ka rin ng mga miyembro ng pahayagan na kinitilan mo ng pagkakataong makapagsilbi sa mga estudyante dahil hindi nila sinikmura ang mga abuso mo!

Advertisements
Post a comment or leave a trackback: Trackback URL.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: